


Kami ang KUMAPIT (Kahandaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral Para Iwas Trahedya), isang grupo ng mga mag-aaral mula sa 12 - Quisumbing sa Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Makati. Kilalanin n'yo kami upang intindihin kung bakit at paano kami nabuo.
Mahalaga ang paghahanda ng mamamayan laban sa sakuna. Sa mga paaralan, kritikal ang pangangalaga sa kaligtasan. Dapat magkaroon ng maayos na kagamitan at plano para sa oras ng krisis. Alamin at maging alerto sa mga pangyayari sa ating paligid.


Nilalayon namin palakasin ang emergency preparedness sa paaralan. Kabilang sa emergency preparedness ang Earthquake and Building Safety, Fire Safety, Basic Life Support Skills, at sa pagkalat ng kaalaman tungkol dito. Ito ay hindi lamang nakatuon sa loob ng paaralan kundi pati na rin sa komunidad. Alamin ang mga plano na nakapaloob sa adbokasiya na ito.
Ang tagumpay ng proyekto ay inaasahang magbibigay inspirasyon sa ibang paaralan at maging modelo para sa iba't ibang adbokasiya ng mga estudyante, kaya't hinihikayat namin ang suporta ng inyong komunidad. Sa pagtutulungan natin, magiging halimbawa tayo ng matagumpay na pagsasakatuparan ng mga hakbang tungo sa mas ligtas at handa sa kalamidad na paaralan.

