top of page
414687618_263646813407951_3597031849646858487_n.jpg

SA ORAS NG TRAHEDYA, KUMAPIT KA

Ang KUMAPIT (Kahandaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral Para Iwas Trahedya) ay isang organisasyong binubuo ng mga mag-aaral mula 12 - Quisumbing ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Makati. Nilalayon ng KUMAPIT ang matugunan ang mga suliraning makaaapekto sa kaligtasan ng mga miyembro sa paaralan dulot ng mga sakuna tulad ng sunog o lindol.

Nabuo ang KUMAPIT mula sa pagsisiyasat sa mga kamakailang insidente ng mga sakunang naranasan sa paaralan. Bunga ang adbokasiya ng organisasyon ng naobserbahang kakulangan sa kahandaan ng paaralan sa paghahanda at pagharap sa mga sakuna, lalo na sa aspektong kagamitan.

KUMAPIT (1).png
Untitled design(1)_edited.jpg
-MISSION-

Ang layunin ng KUMAPIT ay mabigyan ng sapat na kaalaman, kasanayan at kagamitan ang mga estudyante at mga kasapi ng mga paaralan upang mapanatili ang kaligtasan sa panahon ng sakuna o trahedya upang maging ligtas ang buhay ng bawat miyembro na nakapaloob dito. Ang regular na pagsasanay, maintenance check ng kagamitan, at pagpapalawak ng kaalaman sa mga kalamidad ay naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng bawat miyembro ng paaralan.

-ViSION-

Ang bisyon ng KUMAPIT ay nangangarap ng isang lipunan kung saan ang bawat paaralan ay may sapat at epektibong kahandaan para sa anumang uri ng hindi inaasahang krisis o sakuna. Sa pangunguna ng KUMAPIT, hinahangad nito ang kaligtasan at kaunlaran ng bawat mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan sa buong bansa. Ang KUMAPIT ay nagnanais na maging pangunahing tagapagtaguyod ng emergency preparedness at maglingkod bilang inspirasyon para sa iba pang mga institusyon sa larangan ng edukasyon, na naglalayong makamtan ang isang ligtas at handang komunidad sa panahon ng kahit anong sakuna.

-mga layunin-

Layunin ng proyektong Ligtas Ang May Alam ihanda ang komunidad ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati, upang maging ligtas ang buhay ng bawat isa sakali mang magkaroon ng trahedya.

 

Ang mga tiyak na layunin ng proyekto:

  1. Mas mapaigting ang kaalaman ng mga mag-aaral, guro, at non-teaching personnel ng Makati Science High School tungkol sa mga sakuna at mga tamang pamamaraan sa pagtugon sa oras ng kanilang pagdating, sa pamamagitan ng oryentasyon at demonstrasyon.

  2. Matukoy ang mga lugar sa loob ng paaralan na maaaring nasa panganib sa panahon ng sakuna.

  3. Mapaigting ang ugnayan sa BSP, GSP, SDRRM, at iba pang mga club sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Makati, upang mapalawak ang saklaw ng proyektong naglalayong magbigay impormasyon sa mga seminar

  4. Maghandog ng mga bagong kagamitang pangkaligtasan tulad ng mga hard hat at first aid kit sa bawat silid-aralan, at makapagkabit ng mga smoke detector at mga karagdagang fire extinguisher sa buong paaralan na tutulong sa pagresponde sakaling magkaroon ng sakuna.

  5. Magsagawa ng survey pagkatapos ng bawat seminar upang makakuha ng feedback at alamin ang opinyon at puna ng mga dumalo para mapabuti ang kalidad ng mga susunod na seminar.

Please support our partnerships:

Athlosync

Echo

Hi-ilao

Maklovers

This website is a project for Empowerment Technology that is collaborating with Filipino sa Piling Larang (Akademik) and Philosophy

Terms of Service

Privacy Policy

Accessablitity Statement

Contact us on:

 +09163927100

makscikumapit@gmail.com

9 Kalayaan Ave, Taguig, 1214 Metro Manila

© 2024 by KUMAPIT. Powered and secured by Wix

bottom of page